Kahalagahan ng Ating mga
Magulang
ni Alyssa Marie Dichoso
Gaano ba kahalaga ang ating mga magulang sa
ating buhay? Naiisip niyo ba kung paano mabuhay ng walang kinagisnan at
kinalakihang magulang? Alam niyo ba na napakahalaga ng ginagampanang papel ng
ating mga magulang sa ating buhay, dahil sila ang humuhubog at lumilinang ng
ating pagkatao. Sila rin ang nagsisilbing gabay natin kapag tayo ay nagkukulang
at sa t’wing may dumarating na pagsubok sa ating buhay. Marahil sa buhay nating
mga kabataan ngayon, dumadami na ang mga kabataang hindi na marunong gumalang
sa kanilang mga magulang o kaya’y nalimutan na kung papaano maging magalang.
Ito ay marahil karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi na nagagabayan ng
kanilang mga magulangdahil bihira nang magkita o kaya’y dahil sa sobrang
malapit nila sa kanilang magulang ay parang kabarkada na lamang sila kung
makipag – usap. Hindi na marunong gumamit ng “po at opo.” Kung maibabalik lang
ang panahong lumipas bago pa tayo magkaroon ng isip. Ang ating mga magulang ang
siyang naghirap para lamang tayo’y mapalaki ng maayos at tayo’y mapag – aral sa
isang maayos at disenteng paaralan; sa bawat panahong nagdaang inalagaan nila
tayo, kahit minsan ay hindi nila tayo pinabayaan at kahit kailan hindi sila
napapagod magbantay para sa ating kapakanan. Kung minsan na nga lang, halos isusubo
na nila ay ibibigay pa sa atin dahil hindi nila tayo kayang tiisin. Kahit ano
ay kanilang ibibigay para lang tayo’y maging masaya.
Isipin
ko pa lamang ay bumubigat na ang loob ko, paano kaya kung mawalan ako ng
magulang? Iniisip ko pa lang ay parang hindi ko na kayang isipin. Sobrang
hirap. Kapag iyon ay nangyari, wala ng mag – aalaga, mag – aasikaso, wala ng magagalit
tuwing makakagawa kami ng maling bagay, wala na ring manenermon sa amin kapag
ginabi kami na pag – uwi at higit sa lahat wala na ring magsasabi sa amin ng
“ingat ka anak.” Di ba ang hirap isipin kung wala ng gagawa at magsasabi sa
atin ng bagay na ito. Lalo na kung nasanay tayong ginagawa ito sa atin ng ating
mga magulang. Di ba nakakalungkot isipin kapag nangyari iyon sa ating buhay.
Huwag na nating hintayin na mangyari ito sa atin. Kung kailan huli na ay saka pa lamang natin sila
pahahalagahan? Magpasalamat tayo sa kanila dahil palagi silang nandiyan sa
ating tabi at palagi nila tayong ginagabayan. Ibinigay na nga nila lahat sa
tain, hindi lamang mga material na bagay kung hindi pati ang mga bagay na lubos
nating kailangan, ang pag – aaruga at pagmamahal nila sa atin. Lubos akong
nagpapasalamat sa Poong Maykapal dahil sila ang aking naging mga magulang. Di
man ako perpektong anak, lahat gagawin ko para lamang masuklian ko ang
pagmamahal na ipinaramdam nila sa akin at gusto ko ring makabawi sa lahat ng
nagawa nila para sa akin.
Kaya
ngayon, habang kapiling pa natin ang ating mga magulang, ipadama na natin sa
kanila kung gaano natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa ating
buhay. Tayo din ay magpasalamat sa lahat ng ginawang pagsisikap ng ating mga
magulang para mapaganda ang ating buhay. Sabihin natin sa kanila na
paglilingkuran natin sila hanggan sa kanilang pagtanda at magpapasalamat tayo
dahil sa kabila ng ating kakulitan at mga nagagawang pagkakamali, hindi pa rin
nila tayo kayang pabayaan.
May
kasabihan nga tayong “ang anak ay maaring magkaasawa ng higit pa sa isa subalit
ang magulang ay iisa lang at walang pwedeng pumalit...”
No comments:
Post a Comment